Wikipedia

Search results

Tuesday, October 1, 2019

Tips To Play Mobile Legends(Beginner's Edition)

Gusto kong ibahagi ang aking sariling mga tip para sa mga nagsisimula pa lang maglaro.Ang mga tips na ito ay maaaring magbigay ng inspirasyon sa ML Beginners upang maging mahusay na mga manlalaro at umabot sa Mythic rank sa hinaharap.




Tip #1 Maging Eksperto muna sa pag-gamit ng isang Bayani Maraming dapat matutunan sa paglalaro sa loob ng Mobile Legends Battle Arena at para sa akin, pinakamainam na malaman ang lahat ng ito sa pamamagitan ng paggamit muna sa isang Bayani at pagtuklas kung paano kumitil at manalo kasama ang iyong grupo gamit ang mga kalakasan nito. Sa pamamagitan nito, malalaman mo rin ang mga papel na ginagampanan ng bawat isang hero - Fighter, Marksman, Mage, Tank, Assassin, and Support - at magandang preparasyon ito sa susunod kong payo.


Tip#2 Kapag naging Eksperto ka na sa paggamit ng isang Bayani, sumubok ng iba. Matapos mong maging mahusay sa pagkitil ng kalaban, pagbabantay sa mga tore, at pagwawagi sa mga laro gaming ang isang hero, panahon na para sumubok ka namn ng ibang bayani. Pinapayo kong pumili ng isa mula sa ibang kategorya upang magkaron ka ng iba't ibang perspektibo. Tandaan mo ang mga kalakasan at kahinaan ng mga bayani na susubukan mo dahil magagamit mo ito sa paggapi sa kanila sakaling kaharapin mo sila sa kalabang grupo.


Tip#3 Magsanay sa Classic o 'Human vs AI' Mode -- hindi sa Rank Kung hindi ka pa sigurado sa kakayahan mong gamitin ang isang hero, gawan mo ng pabor ang iyong sarili at ang ibang manlalaro sa pamamagitan ng hindi pagsali sa Rank games. Tahakin ang mas mainam na ruta at magsanay muna sa Classic o 'Human vs AI' Mode. Huwag hatakin pababa ang mga manlalarong mahusay na sa kanilang mga hero na handa na nasa Rank Mode upang marating ang Epic o Mythic Level.

Tip#4 Sumira ng Turrets o Mag-Jungle? Ano ang dapat unahin? Ang Mobile Legends ay isang MOBA pero ito ay isang Tower Defense game rin. Habang mahalaga para sa mga Fighters and Marksmen ang kumuha ng buffs sa jungle upang mapataas ang pagkakataon nilang mapaslang ang mga kalaban, dapat tandaan ng lahat ng manlalaro na hindi sila mananalo sa Mobile Legends kung hindi sila magtutulungang sirain ang turrets - at mas mahalaga - ang base ng mga kalaban. Para sa mga manlalarong kailangang mag-jungle para lumakas, dapat nilang laging tingnan ang mga daanan and maging handang tumulong sa kanilang mga kagrupo sa pagbabantay sa sariling turrets at sa pagsira sa mga tore ng kalaban.

Tip#5 Laging tumingin sa Mapa! Ito ay isang bagay na laging nakakalimutang gawin ng mga baguhan sa laro ngunit napakahalaga upang manalo. Napakalaki ng Mobile Legends Battle Arena at maliit na bahagi lamang nito ang makikita mo sa screen ng iyong smartphone; Kung nasaan lang iyong hero. Para magkaron ka ng ideya kung anong nangyayari sa ibang bahagi ng arena, mayroong mapa sa maliit na parisukat sa kaliwaang-itaas ng display. Dito, makikita mo kung ilang turrets pa ng iyong grupo ang nakatayo, kung nasaan ang iyong mga kakampi at kalaban, at kung ano ang galaw ng mga minion. Sa pagtingin sa mapa nang mas madalas, magiging mas madali para sayong gumawa ng mga tamang desisyon sa loob ng arena, tulungan ang iyong mga kakamping talunin ang mga kalaban, at marami pang iba.

Tip#6 Kausapin ang iyong mga Teammate Ang Mobile Legends Bang Bang ay isang 5 vs 5 Team Game kaya naman mahalaga na mag-usap ang mga players para mapataas ang tyansang manalo. Kahit gano kahusay ang bawat manlalaro, kung hindi sila magtutulungan at kikilos bilang isang grupo, magiging manipis ang tyansa nilang manalo. Sa loob ng laro, maaari mong kausapin ang iyong teammates sa pamamagitan ng pag-click sa Note icon sa kanang sulok ng screen at pagtatype ng iyong mensahe. Meron naring mga nakahandang mensahe gaya ng "Attack the lord" o "Clear up lanes" bilang suhestyon sa iyong team para sa susunod ninyong gagawin. Bukod sa paggamit sa message box, maaari nyo ring i-turn-on ng iyong mga teammates ang Voice Chat na mas mabilis at mahusay na paraan ng pag-uusap kumpara sa pagta-type ng menhase.

Tip#7 Pag-aralan ang Emblems at Equipment para sa Heroes Habang tumataas ang iyong level bilang Mobile Legends player, di maiiwasang malaman mo ang halaga ng paggamit ng Emblems at Equipment upang palakasin at patatagin ang iyong Hero sa loob ng laro. Bawat hero - depende sa estilo ng pag-atake o sa kategorya - ay may binabagayang emblems. Halimbawa, si Eudora ay isang Mage kaya maari mo syang ipares sa Magical at Mage emblems upang mapalakas ang kanyang kakayahan at kapangyarihan. Gayundin, maaari mong gamitan ng Physical at Fighter emblems si Zilong dahil dalubhasa sya sa pagsugod sa mga kalaban at sa pagtapos sa kanila nang malapitan. Batay sa iyong lumalagong karanasan sa paglalaro, maaari kang mag-customize o gumagawa ng iyong sariling hanay ng equipment kada hero bago pa pumasok sa laban. Tandaan lamang na pwede mong ibahin ang mga items o equipment na bibilhin mo sa loob ng laro depende sa kung anong nangyayari sa arena.
Tip#8 Huwag maging toxic ML player! Alam ko kung gaano kahirap magtimpi sa laro kapag meron kang teammates sa Rank Game na laging nadidisconnect o hindi pa marunong gumamit ng kanilang hero. Gaya ng marami sa inyo, hindi ako ang pinakamabait na ML player at sobrang nagalit narin ako sa maraming laro -- lalo na kapag malabong manalo dahil sa di maayos na ka-team. Ang payo ko sa inyo - at paalala ko rin sa aking sarili - ay iwasang magtrashtalk sa laro sa pamamagitan ng pagsabi ng mga salitang gaya ng "vuvu" o "kanser" at maging mas mapagpatawad sa mga pagkukulang ng teammates. Laro lang naman ang Mobile Legends. Dapat maging masaya tayo sa paglalaro ng ML - anuman ang level natin - kaya enjoy lang! So tapos nanga! Ito ang aking mga tips para sa aking mga kapwa Pilipino na kakasimula palang maglaro ng Mobile Legends Bang Bang sa kanilang mga Android. Kung para sayo ay kapaki-pakinabang ang mga tipa na ibinigay ko,huwag kalimotang Ibahagi ito Sa iyong mga kaibigan sa social media.

No comments:

Post a Comment